Zero-OSY sa 2016 target ng DepEd

MANILA, Philippines – Target ng Department of Education (DepEd) na magkaroon ng ‘zero-OSY’ o out-of-school youth ang Pilipinas hanggang sa taong 2016.

Inilunsad ng DepEd at National Youth Commission (NYC) ang Abot-Alam program sa buong bansa na ang layunin ay matukoy ang lahat ng OSY sa bansa at mai-enroll sa mga akmang program intervention sa edukasyon, pagnenegos­yo at trabaho.

Ayon kay DepEd Secretary Br. Armin Luistro, mayroon na silang na­tukoy na mahigit 1.2 mil­yong OSY sa kanilang database.

Ang 76,000 umano sa mga ito ay naka-enroll na sa Alternative Learning System (ALS) program, Alternative Delivery Mode (ADM), sumailalim na sa skills training, o di kaya’y nabigyan na ng trabaho.

Ang collective goal ng programa ay ang matiyak na bawat OSY na may edad 15 hanggang 30-anyos ay mabibigyan ng pagkakataon na makatapos ng high school, makakuha ng kinakailangang kasana­yan upang maging pro­duktibo o di kaya’y ma­bigyan ng oportunidad na makapag-negosyo at magkatrabaho.

Show comments