NDRRMC: Higit 2M katao naapektuhan ni 'Mario'

File photo. AP/Bullit Marquez

MANILA, Philippines – Higit dalawang milyong katao mula sa iba't ibang parte ng bansa ang naapektuhan ng bagyong “Mario” ayon sa state disaster response agency ngayong Martes.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na katumbas ang bilang ng 453,190 pamilya na naapektuhan mula sa regions 1, 2, 3, 4-A, 4-B, 5, 7, Cordillera Administrative Region at National Capital Region.

Mula sa naturang bilang ay higit 2,000 pamily o nasa 8,000 katao pa ang nanunuluyan sa 35 evacuation centers.

Samantala, nananatili sa 18 katao ang iniwang patay ni Mario, habang 16 ang sugatan at apat pa ang nawawala.

Umabot naman sa P3.3 bilyon ang halaga ng pinsala ng bagyo mula sa agrikultura at impastraktura.

Show comments