MANILA, Philippines – Sinimulan na ang pagdinig ng Senado sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Humarap kahapon ang mga miyembro ng peace panel ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) para iprisinta ang panukalang magtatatag sa Bangsamoro political entity kapalit ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Iginiit naman ni Senate Committee on Local Government Chairperson Sen. Bongbong Marcos na panimulang hearing pa lamang ito at marami pang tanong na dapat mabigyang linaw, partikular na sa isyu ng power sharing.
“As it’s written now, those power-sharing agreements are not entirely clear, especially in the different sectors in terms of the economic planning, in terms of the disarmament, in terms of the police, in terms of security arrangements, in terms of the administration. All of these things still have to be clarified,” paghimay pa ni Marcos matapos ang pagdinig.
Target nitong magsagawa ng dalawa hanggang tatlong pagdinig kada buwan sa mga lugar sa Mindanao kasama ang mga miyembro ng peace panel.