MANILA, Philippines - Pinadi-disbar sa Korte Suprema si Atty. Renato Bondal, isa sa mga nag-aakusa kay Vice President Jejomar Binay dahil umano sa “gross immoral conduct” na nag-ugat sa bigamy.
Batay sa 2 pahinang reklamo sa Supreme Court-Office Court Administrator ni Eduardo Eridio, residente ng Bgy. Palanan, dalawang beses umano nagpakasal si Bondal kung saan ito ay naganap noong Marso 19, 1997 at Hulyo 2, 2011.
Ayon sa reklamo ni Eridio, dapat lamang umanong tanggalan ng lisensiya si Bondal bunsod na rin ng pag-abandona sa kanyang unang asawa at anak at muling pagpapakasal sa ikalawang asawa. Indikasyon lamang ito na hindi umano ginagawa ni Bondal ang moral standards.
Nakasaad sa Section 27 Rule 138 ng Rules of Court, ang “A member of the bar may be removed or suspended from his office as attorney by the Supreme Court for any deceit, malpractice, or other gross misconduct in such office, grossly immoral conduct, or by reason of his conviction of a crime involving moral turpitude, or for any violation of the oath which he is required to take before the admission to practice, or for a wilful disobedience of any lawful order of a superior court, or for corruptly or wilfully appearing as an attorney for a party to a case without authority so to do.”
Posibleng mapatawan si Bondal ng penalty of prison mayor o imprisonment mula anim hanggang 12 taon bunsod ng paglabag sa Article 349 ng Revised Penal Code.
Idinagdag pa ni Eridio na tinangka ring lituhin ni Bondal ang publiko nang gumamit ito ng pangalang ‘Lou’ sa kanyang ikalawang kasal habang pareho naman ang address, parents name at birthday. Patunay lamang na ang Renato L. Bondal at Renato Lou L. Bondal, sa una at ikalawang kasal ay iisa.