MANILA, Philippines – Nagbabala ang state volcanology ngayong Lunes sa posibleng pagsabog ng Mayon volcano sa kabila ng pagbaba ng mga lindol at rockfall.
Sinabi ni Ed Laguerta ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na maaaring barado ang bunganga ng bulkan kaya naman pinag-iingat niya ang mga residente ng lalawigan ng Albay.
"There is still the threat of a big eruption," wika ni Laguerta.
Nakapagtala ng dalawang volcanic earthquakes at 14 rockfall events ang Phivolcs nitong weekend na dahil anila sa pagtaas ng magma.
Dahil dito ay ipinatutupad pa rin ang paglikas ng mga residente sa loob ng 8-kilometer radius sa palibot ng bulkan.