MANILA, Philippines - Nananatili sa kanyang lakas ang bagyong Mario habang papalapit sa Northetn Luzon.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyong Mario sa layong 576 kilometro silangan ng Infanta, Quezon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso na 80 kilometro bawat oras.
Kumikilos ito pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 26 kph.
Signal number 2 sa Cagayan, Calayan at Babuyan Group of Islands at Northern Isabela.
Signal no. 1 naman sa 12 lugar kabilang ang Catanduanes, natitirang bahagi ng Isabela, Northern Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mt. Province, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte, Batanes Group of Islands.
Binabalaan ang mga apektadong residente sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.