Drilon nam-bully ng solon?

MANILA, Philippines – Binully umano ni Senate President Franklin Drilon si Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon sa party ni Aurora Rep. Bellaflor Angara-Castillo.

Sa pahayag ni Ridon, pinagalitan umano siya ni Drilon sa nasabing party ni Angara.

Si Ridon ang nagsusulong na imbestigahan ng Kongreso ang sinasabing overpricing ng Iloilo Convention Center na pinondohan ng pork barrel funds ni Drilon.

Depensa ni Drilon, hindi totoo ang sinabi ni Ridon at nagkataon lamang na malakas ang kanyang boses habang kausap ang kongresista dahil sa maingay na banda na tumutugtog sa party.

“I did not insult him, much less bully him. I asked him why he keeps on insulting me…The band was noisy, I spoke louder so I could be heard. He is making a mountain out of a molehill,” ani Drilon.

Wala rin aniya siyang panahon para patulan pa ang sinabi ni Ridon lalo pa’t mas maraming mahahalagang bagay na maaring pagtuunan ng pansin.

Ang ICC ay itinayo rin ng Hillmarc’s Construction Corporation na siya ring contractor ng sinasabing overpriced na building sa Makati. 

Show comments