MANILA, Philippines – Pirmado na ni Senate President Franklin Drilon ang subpoena para kina Makati Mayor Junjun BInay, at dalawang iba pa kaugnay sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon subcommittee tungkol sa diumano’y overpriced na building sa Makati.
Bukod kay Drilon, papadalhan rin ng subpoena ang isang Ebeng Baloloy at isang Gerry Limlingan.
Ayon kay Drilon, walang dahilan para hindi niya pirmahan ang subpoenas laban sa mga resource persons na nais ipatawag ng komite kabilang si Binay.
Idinagdag ni Drilon na nasa kapasyahan na ng komite kung ipapatawag rin maging si Vice Pres. Jejomar Binay.
“As a matter of respect, I will not issue a subpoena (para kay VP Binay). That is as respect to the office of the Vice President. I will not sign any subpoenas to the Vice President. The invitation has been issued, it is up to him,” sabi ni Drilon.