Billy Crawford, nagpiyansa

MANILA, Philippines – Na-inquest at nakapagpiyansa na kahapon ang TV host-singer na si Billy Crawford  matapos umano itong manggulo sa isang himpilan ng pulisya noong Linggo ng madaling-araw sa Taguig City.

Ayon sa Taguig City Police, naging mabilis lang ang isinagawang inquest proceedings laban kay Crawford  sa Taguig City Prosecutor’s Office para sa mga kasong malicious mischief at disobedience to person in authority na isinampa rito.

Matapos isalang sa inquest proceeding si Crawford, tahimik­  at hindi ito nagbigay ng anumang pahayag.

Ayon kay  Atty. Jose Aspiras, abogado ni Carwford,  matapos ma-inquest ay nakapagpiyansa na rin sila.

Una nang inamin ng TV host-singer na nakainom siya at hindi nakontrol ang sarili na dahilan upang humantong sa pagwawala nito sa Precint 7  ng Taguig City  Police, dahilan upang mabasag nito ang salaming pintuan ng naturang presinto­.  Nais  lamang umano niyang pakalmahin ang sarili sa loob ng presinto sa halip  na makasakit ng iba o mapaaway pa.

Show comments