MANILA, Philippines - Ang pangunahing bangko na BDO Unibank, Inc. (BDO) ay nanalo ng ilang major awards sa nakalipas na FinanceAsia Country Awards for Achievement ngayong taon.
Tumanggap ang BDO ng ika-lima nitong Best Bank award bilang pagkilala sa estado nito bilang pinakamalaking bangko ng Pilipinas pagdating sa gross customer loans, total deposits at assets under management.
Itinalaga rin nito ang pinakamalaking kita noong 2013, at patuloy ang mabilis na paglago ng negosyo nito.
Ayon sa pahayagang FinanceAsia ng Hong Kong, “ang nakalipas na 12 buwan ng BDO ay kinakitaan ng pag-usbong sa business lending at project finance, kung saan ito’y nagtulak ng loan growth na 19 porsyento, kumpara sa industry average na 16 porsyento.”
“Ang nagustuhan ng aming mga hurado ay ang financing power at energy-related projects ng bangko, kung saan ito’y tutulong sa pagresolba ng nalalapit na power crisis ng bansa. Kasama na rito ang term-loan facilities para sa Palm Concepcion Power,SM PowerGen, Therma South, Minergy Coal at Pagbilao Energy,” sabi ng pahayagan.
Sa kabilang dako, ang investment banking subsidiary nito na BDO Capital & Investment Corp. ay nanalo ng ika-9 nitong Best Investment Bank award sa pagtatapos ng major debt capital markets at equity transactions.