MANILA, Philippines — Nilagay sa panganib ng 40 Pinoy peacekeepers ang buhay ng iba pang sundalo, matapos gawin ang “Greatest Escape” sa Golan Heights, ayon sa Indian commander ng United Nations (UN).
Sinabi ni UN Disengagement Observer Force Commander Lt. Gen. Iqbal Singh Singha na “non professional” ang hindi pagsunod sa utos ng mga Pilipino.
"The non-professional actions of the Filipino troops have endangered the lives of the Fijian soldiers," wika ni Singha sa India Times.
"They have defied orders at a time when we had negotiated a ceasefire with the rebels to ensure that all troops in the conflict area could exit.”
Samantala, sinuportahan naman ng UN ang desisyon ni Singha at kinilala ang ginawa niyang aksyon upang mailigtas ang iba pang nakorner na mga sundalo.
Pinabulaanan din nila ang umano'y utos ni Singha sa mga Pinoy na isuko sa Syrian rebels ang kanilang armas matapos silang mapalibutan sa Golan Heights.
"They were never under such specific orders," pahayag ni UN Undersecretary for Peacekeeping Operations Hervé Ladsous.
"It's a matter of judgment. But, I would say again than General Singha has exercised good sound judgment all along that process."
Sinabi pa ni Singha na “act of cowardice” ang pagtakas ng mga Pilipino na tinaguriang “greatest escape.”
"The higher UN echelon as well as the Indian Army agrees with me that the decision was correct. It is an act of cowardice to desert posts especially when a delicate ceasefire was in place," wika ng Indian commander.