Mga motorista nalito one truck lane policy sa C-5, sinimulan na

Personal na pinangunahan ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang unang araw sa pagpapa­tupad ng one-truck lane policy sa kahabaan ng C-5 kahapon. (Kuha ni Boy Santos)

MANILA, Philippines - Maraming motorista ang labis na na­lito sa pag-arangkada ng unang  araw nang  pagpapatupad ng Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) para sa one truck lane policy sa kahabaan ng C-5 Road kahapon.

Nabatid, na noong Sabado at Linggo ay nagpatupad ng dry-run ang MMDA para sa bago nitong polisiya, subalit kahapon nga ay ganap na itong regulasyong pinatupad para sa lahat ng truck na babagtas sa C-5 Road.

Ang naturang patakaran ay inaprubahan ng Metro Manila Council (MMC), na binubuo ng mga Metro mayors.

Base sa resolution ng MMC, eksklusibo ang truck lane sa C-5 kapag window hours simula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon at alas-10:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga.??

Subalit,  kapag umiiral ang truck ban, maaari namang dumaan ang ibang sasakyan sa innermost lane sa C-5, partikular ang mula sa Katipunan hanggang sa bahagi ng Taguig City.??

Nabatid na noong Sabado ay kinaila­ngang isara ng MMDA ang pitong u-turn slots dahil mga truck lamang ang papayagang dumaan sa pinaka­dulong lane ng kahabaan ng C-5.

Nabatid na mara­ming motorista ang nalito lalo na ang mga truck sa naturang bagong polisiya.

Kapansin-pansing wala ring naka­lagay na signages sa Katipunan at nasa bahagi ng Libis­ lamang ang mga MMDA.

Show comments