Libreng sakay sa Pasig ferry sa Lunes

MANILA, Philippines - Makakalibre sa pamasahe ang mga suking mananakay ng Pasig River Ferry System na pinatatakbo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang bahagi ng selebrasyon ng pamahalaan sa National Heroes Day ngayong Lunes, Agosto 25.

Bumabagtas ang Pasig River Ferry System mula Pinagbuhatan sa Pasig City; Guadalupe sa Makati City; Sta. Ana, PUP, Sta. Mesa, Escolta at Plaza Mexico-Intramuros sa Maynila.

Nagbubukas ito mula alas-6 ng umaga at nag­sasara ng alas-6 ng ha­pon habang naniningil ng pamasahe mula P30- P50.

Muling binuksan ang Pasig River Ferry nitong Abril makaraan ang pagkalugi ng mga nakaraang kumpanya. Dalawang linggo na nagbigay ng libreng sakay ang MMDA bago nagpatupad ng paniningil ng pasahe.

Show comments