MANILA, Philippines — Kaagad humingi ng dalawang linggo leave ang kakatalaga lamang si Supreme Court Associate Justice Francis Jardeleza upang maasikaso ang iiwanang trabaho bilang Solicitor General.
Sinabi ni Supreme Court spokesman Theodore Te ngayong Biyernes na hiningi ito ni Jardeleza kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno matapos manumpa kahapon.
Magsisimula ang leave ni Jardeleza sa Biyernes, dagdag ni Te.
Pinalitan ng 64-anyos si Associate Justice Roberto Abad na nagretiro nitong Mayo 22.
Si Jardeleza ang ikalimang appointee ni Aquino sa hukuman.