MANILA, Philippines – Binatikos ni Pangulong Benigno Aquino III ang ilang politiko na tila nangangampanya na para sa 2016 elections.
Sinabi ni Aquino ngayong Lunes sa kanyang talumpati sa Tuao, Cagayan na unahin muna sana ang pagtugon sa problema ng bansa bago ang pagbibida sa sarili para sa eleksyon.
"Mga kasama, 'pag nagbabasa tayo ng diyaryo araw-araw, tila marami nang nangangampanya. Parang nakalimutan nila may problema tayo ngayon," pahayag ni Aquino.
"Mayroon naman problema sa 2016 na eleksyon–2016 na 'yon. Ngayon, tugunan muna natin 'yung problemang bumabalot sa atin pong sambayanan," dagdag niya.
Ilan sa mga nagpahayag para sa kanilang pagtako sa 2016 ay si Bise-Presidente Jejomar Binay na tangkang palitan si Aquino.
Kumalat ang balitang balak kunin ng Liberal Party ni Aquino si Binay para maging kanilang manok sa 2016.
Pinabuluan naman ito ni Senate President Frankil Drion at sinabing nais nilang suportahan si Interior and Local Goberment secretay Mar Roxas kung tatakbo siya.
Nauna nang inihayag ni Binay ang kanyang planong tumakbo sa pagkapresidente.