Chiz kay PNoy: Performance ni Abaya silipin

MANILA, Philippines - Dapat nang silipin ni Pangulong Aquino ang mga umano’y kapalpakan ni DOTC Secretary Emilio Abaya sa paghawak nito sa sektor ng transportasyon.

“Dapat repasuhin na ang kanyang mga ginagawa dahil puro palpak ang DOTC sa nagdaang mga taon,” sabi ni Escudero na nagdagdag na, mula nang maupo si Abaya sa DOTC, hindi na nito nalutas ang malalaking problema tulad ng sa MRT 3 bukod pa sa naaantalang pagkumpuni at rehabilitasyon sa Ninoy Aquino International Airport.

Pinuna ni Escudero na mula pa noong araw ay magulo na ang corporate structure ng MRT. “Sa loob ng walong taon, sinasabihan nila ang MRT Hol­dings na bumili ng bagong mga coaches. Ayaw makinig ng MRT Holdings kaya tinangka ng DOTC na gumawa ng paraan pero, kapag nakahanap sila, sisingilin naman sila ng MRT Hol­dings,” sabi pa ng senador.

Magugunita na ilang grupo na rin ang humihi­ling sa Pangulo na sibakin si Abaya sa DOTC matapos ang aksidente ng MRT kamakailan sa Pasay City.

Show comments