MANILA, Philippines - Makararanas ng maaliwalas na panahong ang bansa sa susunod na tatlong araw dahil sa pag-iral ng high pressure area (HPA) ayon sa state weather bureau ngayong Huwebes.
Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na dulot ng monsoon break ang magandang panahon na may pulu-pulong pag-ulan lamang sa Katimugang Luzon, Visayas, at Mindanao.
Samantala, kahit nananaig ang HPA, may binabantayang low pressure area ang PAGASA na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Inaasagang papasok ng PAR ang LPA ngunit wala itong direktang epekto at maliit lamang ang tsansa nitong maging ganap na bagyo.