Bomba ng NPA nasamsam

MANILA, Philippines - Umiskor ang mga awtoridad sa pagkakasamsam ng mga bomba na gamit ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa ‘landmine attack’ at bulto ng mga bala sa isinagawang operasyon sa Brgy. Elizalde, Maco, Compostela Valley nitong Biyernes ng gabi.

Ayon kay PNP spokesman Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, aabot sa mahigit 7 kilo ang nakumpiskang mga bomba, mga paraphernalia sa paggawa ng bomba, ilang kilo ng Improvised Explosive Device (IED), mga bala para sa cal. 45, M14, 50 caliber, medical supplies, mga subersibong dokumento at iba pa.

Bago ang operasyon ay nakipag-ugnayan ang Army Intelligence sa Criminal Investigation ang Detection Group (CIDG) Region 11 matapos makatanggap ng impormasyon na nakaimbak sa lugar ang mga bala at bomba ng NPA rebels.

Una rito, naaresto ang miyembro ng NPA milisya o pasa bilis courier na si Allan Montecalvo sa operasyon sa lalawigan  na nakumpiskahan rin ng mga armas.

 

Show comments