MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Sen. Bam Aquino na dadaan sa matinding pagsusuri ng Senado ang panukalang P2.6 trilyong national budget para sa 2015 dahil na rin sa mga kontrobersiyang dulot ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP).
Ayon kay Aquino, dapat ng maging maingat ang mga mambabatas at matiyak na bawat sentimo ng ilalaang budget para sa 2015 ay mapupunta sa kaban ng bayan at hindi sa bulsa ng sinumang tao.
Sinabi ni Aquino, hindi na dapat maulit pa ang isyu ng PDAF at DAP at tiyaking hindi na muli itong mabubuhay sa pamamagitan ng pagbibigay lamang ng ibang pangalan.
Ang isinumiteng P2.6 trillion ay mataas ng 15 porsiyento sa 2014 national budget.