MANILA, Philippines - Ipinahiwatig kahapon ni Senate President Franklin Drilon na gagawing legal ng Kongreso ang Disbursement Acceleration Program (DAP) sa pamamagitan ng pagpasa ng isang joint resolution kaugnay sa supplemental budget kung saan gagamitin ang savings ng gobyerno.
Ayon kay Drilon, walang legal na kahulugan ang “savings” sa Konstitusyon kung hindi sa “regular law” lamang sa General Appropriation Act (GAA).
Ipinaliwanag ni Drilon na kaya humingi ng supplemental budget ang Pangulo sa pamamagitan ng pagpasa ng joint resolution ay upang matapos na rin ang problema sa mga nakabinbing proyekto ng gobyerno.
Sabi pa ni Drilon na hindi naman layunin ng Kongreso na palitan ang desisyon ng Supreme Court kaugnay sa DAP.
Maari naman nilang i-define o bigyan ng bagong kahulugan ang savings upang mas maging malinaw ito.
“Ang sinabi ng SC mali ang interpretation ng savings sa budget. Kaya po pwede po naming iredefine muli para maipaliwanag,” sabi ni Drilon.