Selda ni Napoles sa Taguig, handa na

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Bureau of Jail Ma­nagement and Peno­logy (BJMP) na handa na ang paglilipatang selda o kulungan ni Janet Lim-Napoles sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Sinabi ni BJMP spokesman Aris Villaester, kahit wala pang final order, inihanda na nila noong weekend ang isolation room para ma­ging kulungan ni Napoles.

Maging ang team na susundo kay Napoles ay nakahanda na rin, anumang oras na ipag-utos ng Sandiganbayan.

Nabatid, na noong Biyernes ay iniutos ng Sandiganbayan ang paglilipat  kay Napoles mula sa Fort Santo  Domingo, Sta. Rosa, Laguna, patungong Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Subalit, hindi natuloy ang paglipat kay Napoles dahil nais pang linawin ng Philippine National Police (PNP) at BJMP sa Sandiganbayan at Makati Regional Trial Court (RTC) kung aling commitment order ang kailangang sundin. 

 

Show comments