Leyte inuga ng 5.4 lindol

MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude 5.4 lindol ang Southern Leyte kahapon ng alas 7:57 ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang sentro ng lindol sa layong 8 kilometro timog kanluran ng Hinundayan, Southern Leyte na may lalim na 6 kilometro at tectonic ang origin.

Ang lindol ay bunga ng paggalaw ng Philippine Fault Zone (PFZ) Leyte Segment.

Bunga nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity 6 sa Hinunangan at St. Bernard, Southern Leyte habang Intensity 4 sa Tacloban City, Intensity 3 sa  Palo, Leyte; Intensity 2 sa Cebu City, Talisay City at Surigao City at Intensity I sa Lapu-Lapu City.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang naging pinsala ng naturang lindol sa mga tao at ari-arian sa nabanggit na mga lugar at asahan na umano ang pagkakaroon ng aftershocks.

Show comments