MANILA, Philippines -- Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi nagmula sa kontrobersyal na Disbursement Allocation Program ang mga bonus ng mga guro.
Sinabi ng DepEd ngayong Huwebes na hinugot nila ang pondo mula sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund mula noong 2012.
Dagdag nila na malinis ang pamimigay ng bonus dahil kabilang ito sa General Appropriations Act.
"Public school teachers, like all government employees, are now under a Performance-Based Incentive System (PBIS) consisting of an across-the-board Performance Enhancement Incentive (PEI) of P5,000 plus a Performance-Based Bonus (PBB) ranging from P5,000 to P35,000, depending on performance," nakasaad sa pahayag ng kagawaran.
"This means that a teacher or employee now receives a minimum of P10,000 to a maximum of P40,000 versus the P10,000 across the board bonus in previous years."
Naglabas ng pahayag ang DepEd magalis ang pagdinig ng Senado sa DAP, kung saan pinagpaliwanag si Budget Secretary Butch Abad.