MANILA, Philippines - Plantsado na at handang-handa na ang security preparations para sa pagdiriwang ng sentinaryo ng Iglesia ni Cristo (INC) na gagawin sa Philippine arena sa Bulacan sa darating na araw ng Linggo.
Sa isang security briefing kasama ang mga chief of police, sinabi ni Bulacan Provincial Director Sr. Supt Ferdinand Divina na mula Biyernes, Hulyo 25 ay nasa full alert status na ang buong Bulacan Police para sa naturang okasyon.
Kasama sa preparasyon ang road clearing operations papunta sa venue, parking ng mga gagamiting bus, signages, garbage disposal, daloy ng trapiko at ang pagtatayo ng command center sa bawat bayan.
Pinaalalahanan din ni Divina ang mga hepe sa lalawigan na bagamat todo bantay sa okasyon ay huwag isasantabi ang pagpapatupad sa anti-criminality operations doon.