Budget sa SONA tinipid

MANILA, Philippines - Tinipid na ng Kamara ang ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino at sa pagbubukas ng 2nd regular session ng 16th Congress.

Ayon kay House Secretary General Marilyn Barua-Yap, hindi tataas sa P2.2 million ang gastos ng Kamara para sa ulat sa bayan ng Presidente na gaganapin sa Hulyo 28.

Sabi ni Barua-Yap, mas nakatipid ngayong taon ang Kamara dahil marami ang nag-donate, tulad ng MMDA, DPWH at lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Kung mayroon uma­nong malaking paggugugulan ng SONA budget, ito ay ang pagkain lalo pa at mahigit 1,000 ang inaasahang bisita o VIPs na dadagsa sa Batasan.

May bago na ring bandila ang Mababang Kapulungan, habang bagong pintura ang session hall at inayos na rin ang mga air conditioning at sound system.

Plantsado na rin ang seguridad para sa SONA kung saan magiging katuwang umano ng Internal Security ng Batasan ang PNP, AFP at Presidential Security Group.

Mahigpit ding ipapatupad ang “no invitation, no entry” policy sa plenaryo.

Show comments