MANILA, Philippines - Idineklara ng Malacañang na special non-working holiday sa buong bansa ang darating na Hulyo 27 bilang paggunita sa founding anniversary ng Iglesia Ni Cristo.
Kasabay nito ay inimbitahan ng INC si Pangulong Aquino para sa inagurasyon ng kanilang ipinatayong Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa araw na ito.
Ang Philippine Arena ng INC ay may seating capacity na 55,000 at sa 75-ektaryang complex na ito rin ililipat ang kanilang New Era University mula sa Quezon City.
Magdaraos ng kanilang centennial celebration ang INC sa darating na July 27 kung saan ay libo-libong miyembro nito ang inaasahang darating din sa inagurasyon ng kanilang Philippine Arena bilang paghahanda sa kanilang centennial celebration.