MANILA, Philippines - Dalawang probinsiya sa Bicol region ang isinailalim na sa state of calamity dahil sa pananalasa ng bagyong "Glenda."
Nagdeklara ng state of calamity ang lalawigan ng Albay at Camarines Sur upang magamit ang kanilang emergency fund.
Aabot sa 30,000 na pamilya ang inilkas sa Albay, habang 12,000 naman sa Camarines Sur.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa 70 kilometro timog-silangan ng Metro Manila.
Taglay ng pampitong bagyo ngayong taon ang lakas na 150 kilometers per hour at bugsong aabot sa 185 kph, habang gumagalaw pa-kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 26 kph.