SB kay Morales: Kumuha ka ng bigating abogado

MANILA, Philippines - Pinayuhan ni House Speaker Sonny Belmonte Jr. si Ombudsman Maria Conchita Morales na kumuha ng bigatin at mahuhusay na abogado ay tatagan ang ‘litigation muscles’ ng prosekusyon laban sa mga nasasangkot sa 10 billion pork barrel scam.

Ayon kay Belmonte, dapat kumuha ng mga pinakamagagaling na government attorneys ang prosekusyon na tiyak na tatapos sa kaso at magpapanagot sa mga nasasangkot sa bilyones na nangyaring katiwalian sa bansa.

Sa proseso ng mga nagdaang pagdinig sa pork barrel scam sa Sandiganbayan ay parati na lamang aniyang nasosopla ng mga mahistrado ang prosekusyon lalo na sa motion to amend information on the plunder case na kanilang inihain na muntik ng magpawalang saysay sa naunang kasong inihain ng Ombudsman.

Ganito rin ang sentimyento nila House Deputy Speaker at Isabela Rep. Giorgidi Aggabao at Cavite Rep. Elpidio Barzaga upang may laban at matapatan din ang husay ng mga abogado ng depensa.

Sinabi ni Aggabao na naiwasan sana ang pagkapahiya at kapalpakan ng prosekusyon kung sa umpisa pa lamang ng trial ay mga magagaling ng government lawyers ang isinalang sa kaso.

 

Show comments