MANILA, Philippines — Sa 13 boto ng mga mahistrado, idineklara ng Korte Suprema ngayong Martes na hindi naaayon sa Saligang Batas ang ilang probisyon ng Disbursement Acceleration Program (DAP) ng administrasyong Aquino.
"[The Supreme Court] voids three 'acts and practices' under the DAP, [National Budget Circular] No. 541 and related issuances," pahayag ng tagapagsalita ng mataas na hukuman na si Theodore Te.
Nag-inhibit naman sa botohan si Justice Teresita Leonardo-De Castro.
Hindi rin pinalusot ng Korte Suprema ang paggamit ng "unprogrammed funds despite the absence of a certification by the National Treasurer that the revenue collections exceeded the revenue targets.”
Ayon sa desisyon, hinayaan ng Department of Budget and Management na gamitin ng gobyerno ang mga sumobrang pondo kahit wala pa itong clearance.
Siyam na petisyon ang inihain sa hukuman na kinukuwestiyon ang DAP.
Pumutok ang isyu ng DAP matapos isiwalat ni Senador Jinggoy Estrada na ginamit ito ng administrasyon bilang “bonus” ng mga senador na bumoto sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Renato Corona noong 2012.