PNP alerto vs terror attack sa Mindanao

 

MANILA, Philippines - Naka-alerto ngayon ang buong puwersa ng Philippine National Police sa posibleng banta ng terorismo sa Mindanao, partikular sa Davao City.

Magugunita na mismong si Pangulong Aquino ang tumawag kay Davao City Mayor Rod­rigo Duterte hinggil sa posibleng pag-atake ng bomb expert na si Abdul Basit Usman na konektado umano sa Jemaah Islamiyah at Abu Sayyaf.

Sinabi ni PNP spokesman Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, inatasan na ni DILG Secretary Mar Roxas, ang anim na Police Regional Offices sa Mindanao na magsagawa ng preemptive security measures sa pamamagitan ng foot and mobile patrols, checkpoints, gun check operations, at inspection sa mga pantalan, paliparan at terminals.

Mahigpit rin ang pagbabantay sa mga commercial center at iba pang matataong lugar.

Napaulat na napatay na si Usman sa pag-atake ng tropa ng Amerika sa Afghanistan boarder noong Enero 4, 2010, pero luma­labas na buhay pa ito at posibleng maghasik umano ng terorismo sa Mindanao.

Si Usman ay may $1 milyon patong sa kanyang ulo.

Show comments