MANILA, Philippines - Lutas na ang kaso ng pamamaslang sa bilyonaryong negosyanteng si Richard Lim King, may-ari ng Crown Regency Group of Hotels and Resort na pinagbabaril sa pag-aari nitong gusali sa Davao City noong Hunyo 12.
Ito ang inianunsyo kahapon ng PNP matapos na masampahan na ng kasong kriminal ang apat na suspek na nasa likod ng krimen kabilang ang police officer na si Supt. Leonardo Felonia na sinibak na bilang hepe ng Regional Intelligence Unit 11, Intelligence Group.
Si Felonia ang itinuro ng triggerman na si Paul Dave Molina Labang alyas Bulilit na nagbaÂyad umano sa kanila ng P30,000 upang itumba si King.
Ang dalawa pang naÂarestong kasabwat sa krimen ay ang magkapatid na Rommel dela Cerna, 39, na nagsilbing lookout at Rodel dela Cerna, 35, driver ng getaway na motorsiklo na sinakyan ng mga ito ng gabing paslangin si King sa upisina nito sa Vital C Building sa Sobrecarey Street, Barrio Obrero, Davao City.
Nabatid na si Felonia at tatlo pang suspek ay sinampahan ng kasong murder sa Davao City Prosecutor’s Office.
Sinabi naman ni Police Regional Office (PRO) 11 Director Chief Supt. Wendy Rosario, na nakatanggap sila ng impormasyon na P20M umano ang ibinayad ng mastermind para itumba si King kung saan si Felonia ang itinuturong kumontrata sa triggerman na si Labang at magÂkapatid na dela Cerna.
Si Labang ay naaresto sa Ma-a, Davao City na nasamsaman din ng pulisya ng isang cal. 45 handgun. Positibo naman itong itinuro ng ilang testigo na nakasaksi sa pagbaril kay King.
Isinailalim na sa kustodya ng Regional Intelligence 11 si Felonia na bukod sa kasong kriminal ay nahaharap d in sa kasong administratibo.