MANILA, Philippines - Binatikos ni United Nationalist Alliance (UNA) Secretary General Toby Tiangco ang makaadministrasyong Liberal Party at ang Department of Interior and Local Government dahil sinamantala umano ng mga ito ang mga depekto sa Republic Act 10632 para makapagpaÂlakas sa pambansang halalan sa 2016.
Nagpahayag ng pagkabahala si Tiangco sa mga ulat na ibinunyag ni Kabataan Rep. Teddy Ridon na nagawa ng LP na lusutan ang RA 10632 na siyang batas na nagpaliban sa halalan ng Sangguniang Kabataan noong Oktubre 2013. Ginamit umano ng partido ang patakaran at regulasyon ng batas para makapagpalakas sa kanilang makinarya sa mga barangay.
Wala anyang pinag-iba ang ginagawa ng LP at ng DILG sa “Hitlerjugend†o Hitler Youth noong 1930 nang itatag ng Nazi Party sa Alemanya ang isang organisasyon ng mga kabataan para gamitin ang mga ito sa adyendang pulitikal at military ng partido.
Pero ngayon, ayon kay Tiangco, personal na pinili ng LP ang 350,000 barangay youth leaders na kakampanya para sa kandidatura sa pagkapangulo ni DILG Secretary Mar Roxas. Sa pahintulot ng Comelec, inatasan ng DILG ang lahat ng mga barangay na magtalaga ng kani-kanilang nominee bilang bahagi ng “Task Force on Youth Developmentâ€.
Sa pagkakasuspinde sa halalan sa SK, pinangangambahan ni Tiangco na gagamitin ng LP ang pondo nito sa pamamagitan ng mga barangay council.
Sa pagkakalikha ng task force sa halos 42,000 barangay sa bansa, nasa kamay na ng LP ang mahigit P6-B pondo ng bayan na nagmumula sa internal revenue allotment (IRA). Sabi ni Tiangco, sa pamamagitan ng task force, sasakay ang mga miyembrong kabataan nito sa linya, programa at aktibidad ng LP habang papalapit ang 2016 elections.