Biktima ng sunog gustong gawing automatic members ng 4Ps at CCT program

MANILA, Philippines - Nais ni Senator Alan Peter Cayetano na gawing automatic na miyembro ng 4Ps o kaya’y conditional cash transfer (CCT) ang mga naging biktima ng sunog upang mabigyan sila ng isang libo buwan-buwan bilang tulong sa mga bata.

Naniniwala rin si Cayetano na dapat unahin na maging miyembro ng PhilHealth ang mga nasunugan bilang tulong ng gobyerno.

Ipinunto pa ni Cayetano na may iba’t ibang prog­rama ang gobyerno pero hindi naman naibibigay ng mabilis sa mga mamamayan.

Dagdag ni Cayetano na maituturing na isang mala­king trahedya para sa isang mahirap na pamilya kapag sila ay naging biktima ng sunod lalo pa’t kung wala na silang lugar na matitirahan.

Show comments