NFA may bagong hepe

MANILA, Philippines - Nagtalaga na si Pangulong Aquino ng bagong pinuno ng National Food Authority kapalit ng nagbitiw na si NFA Administrator Orlan Calayag.

Nilagdaan ng Pangulo ang appointment ni Arthur Juan nitong Hunyo 20 upang pagsilbihan ang hindi natapos na termino ni Calayag mula July 1, 2013 hanggang June 30, 2014.

Si Juan ay nagsilbing pangulo ng San Miguel Foods at presidente ng Monterey Food Corp.

Samantala, itinalaga ni PNoy bilang kapalit ng nagbitiw na si Philippine Coconut Authority Administrator Euclides Forbes si Romulo Arancon Jr.

Magugunita na nagbitiw sa kanilang mga tungkulin sina Calayag at Forbes ng italaga ni Pangulong Aquino si dating Sen. Kiko Pangilinan bilang Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization.

Show comments