MANILA, Philippines — Walang dapat ireklamo sina Senador Bong Revilla Jr. at Jinggoy Estrada sa kinalalagyan nila ngayon, ayon kay Senador Antonio Trillanes IV.
Sinabi ni Trillanes sa isang panayam sa telebisyon ngayong Martes na walang magagawa sina Revilla at Estrada at kailangan nilang tiisin ang kanilang sitwasyon at gamitin ang magiging karanasan upang maging mas mabuting tao.
"I believe that they just have to man up. They'll have to make up their minds if they want to fight this through," wika ni Trillanes.
"They'll just have to grin and bear it (condition in jail). There is no going around it. They'll just have to use this experience to hopefully come out as better persons in the end," dagdag niya.
Nakulong sina Revilla at Estrada nitong Biyernes at kahapon para sa kasong plunder at graft na inihain ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan.
Nagrereklamo si Revilla sa init ng kanyang selda na pinalala pa ng mga kasamang ipis at daga sa loob ng kanyang kulungan sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame sa lungsod ng Quezon.
Nasasabi ito ni Trillanes dahil pitong taon siyang nakulong matapos pangunahan ang Oakwood Mutiny noong 2003 at Manila Peninsula Hotel siege noong 2007.
"We have dealt with the same rats before and the heat. But there's this saying: if you do the crime, you do the time," pahayag ni senador. "I did not get to whine about it. You just have to take it all in.â€
Maayos na trato sa karaniwang preso
Hindi naman direktang sinabi ni Trillanes na mistula nakatatanggap ng special treatment sina Revilla at Estrada dahil sa ganda ng kanilang kulungan kumpara sa mga karaniwan na preso.
Marami ang nagtaas ng kilay sa maayos na kulungan ng dalawang senador at naikumpara pa ito sa pinaglagakan sa dating senador at ama ni Pangulong Benigno Aquino III na si Ninoy Aquino.
Sinabi ni Trillanes na hindi isyu ang kulungan ng dalawang kasamahang senador, bagkus ang tunay na isyu aniya ay ang kalagayan ng mga karaniwang na preso.
"I believe we should pressure the government not to level down the treatment of the three senators, but [we should] pressure the government to level up the treatment of other detainees across the country," sabi ni Trillanes.
"We are promoting a just and humane society and to treat detainees like dogs is not the way to go. We have to improve our detention facilities and construct new ones to make sure that these detainees will not lose their dignity while in jail.â€