MANILA, Philippines - Dahil sa pangambang magkaroon ng bakbakan sa isang pagkakamali lang, nanawagan ang isang grupo ng mga kongresista sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na kagÂyat na aksyunan ang “Notification and Statement of Claim†na isinampa ng Pilipinas laban sa China sa kabila ng pagtanggi nito na sumailalim sa isang third-party arbitration.
Sinabi ni Iloilo Congressman Jerry Trenas na, dahil kitang-kita na ayaw ng China sa anumang klase ng arbitration at nagpupumilit sa kapangyarihang military nito, dapat magpahayag ng posisyon dito ang mundo kahit para lang paalalahanan ang China na hindi aayunan ng pandaigdigang pamayanan ang bullying tactic ng Tsina.
“Dapat malaman ng China na nasa maling panig siya ng kasaysayan. Dapat siyang matuto sa aral ng Alemanya nang tangkain nitong gumamit ng puwersa para maisulong ang imperyalistang ambisyon nito. Ang nine-dash claim ng China sa halos lahat na teritoryo sa West Philippine Sea ay isang imperyalismo at isang anino ng panahon nang sakupin ni Hitler ang mundo,†sabi pa ni Trenas.
Kahit anya hindi kikiÂlalanin ng China ang anuÂmang resolusyong hindi pabor rito, dapat gumawa ang UNCLOS ng posisÂyon kaugnay sa nine-dash claim ng China bago ito magtagumpay sa pagtatayo ng mga military outpost sa pinagtatalunang mga teritoryo at ipatupad ang tinatawag nitong “Air Defense Identification Zone†sa WPS.
Binanggit niya na ang China ay nagsasagawa ng mga reclamation project sa maliliit na isla at reef sa pinagtatalunang teritoryo para igiit ang naval at air control nito sa lugar at ito ay maituturing na pananakop ng ibang bansa.
Ayon naman kay Samar Rep. Mel Senen Sarmiento, ang mga reclamation project ng China sa South China Sea ay magkakaroon ng seryosong implikasyon sa kabuhayan ng mga Pilipinong matagal nang nangingisda sa lugar bago pa inimbento ng pamahalaang Intsik ang tinatawag nitong nine-dash line claim.