MANILA, Philippines - Pinabubusisi ni PaÂngulong Aquino ang nasa shortlist na isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC) para pumalit sa nabakanteng posisyon sa Sadiganbayan kung saan isa sa mga ito ay rekomendado ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile.
Sinabi ni Deputy PreÂsidential Spokesperson Abigail Valte, hindi ibinalik ng Pangulo sa JBC ang shortlist na kanyang pagpipilian pero hiningi nito ang kanilang tulong upang muling pag-aralan ang kanilang mga nominees.
Natuklasan ng tanggapan ng Pangulo na ang isa sa mga nominee ay inendorso ni Enrile na kakasuhan ng plunder sa anti-graft court at ang inirekomenda nito ay uupo sa mismong division na didinig sa kanyang plunder case.
Inendorso ni Enrile na maging nominee sa vacant position sa Sandiganbayan na nabakante ni Associate Justice Amparo Cabotaje-Tang si Quezon City Regional Trial Court Judge Bernelito Fernandez.
Aminado naman ang Palasyo na lampas na ang 90-day period na itinakda ng Konstitusyon upang magtalaga ng kapalit na hukom ang Pangulo sa bakanteng posisyon sa anti-graft court.
Paliwanag naman ng Malacañang ay pinag-aralang mabuti ng tanggapan ng Pangulo ang isinumiteng nominees ng JBC at ikinatwiran na ginawa naman daw ito ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.