3 ‘pork’ senators hindi pinagso-sorry - CBCP

MANILA, Philippines - Nilinaw ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi nila pinagso-sorry ang mga senador na sangkot sa P10 bilyong pork barrel scam.

Ayon kay CBCP president at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, wala silang ginawang panawagan maliban na lamang sa apela nila ng hustisya at pagbabago ng mga sangkot.

“The CBCP prays that justice be our common goal. Conversion must be our common mission,” ani Villegas.

Sinabi ni Villegas na naniniwala siya na  tanging ang Sandiganbayan lamang ang siyang dapat na magdetermina kung guilty o inosente ang mga sangkot.

“Pakiusap po…Do not attribute opinions of individual bishops to the CBCP,” dagdag pa ni Villegas.

 

Show comments