AKCUPI dog shows sa Hunyo 22

MANILA, Philippines - Ang Asian Kennel Club Union of the Philippines (AKCUPI) ay magtatanghal ng kanyang ika-60 at ika-61 International All-Breed Dog Shows sa Linggo, Hunyo­ 22 sa Tiendesitas, Pasig City.

Ang shows ay huhusgahan ng dalawang batikang international dog show judges na sina Il Sub Yoon ng Korea at Edgardo C. Cruz ng Pilipinas na may kanya-kanyang set ng magwawagi sa mga kategoryang Best Baby Puppy, Best Philippine-born at Best in Show mula sa pitong breed groupings - toy, sporting, hound, terrier, non-sporting, working at herding. 

Si Il, isang propesor sa Caninelogy sa Korea, ay may akda ng mga libro tungkol sa aso at nagsilbing taga­payo sa Agriculture and Forest Ministry at National Veterinary Research and Quarantine Service at kasalukuyang tagapayo sa Supreme Court ng Korea.

Si Cruz, ang pinakamatagal na naglingkod bilang director ng Philippine Canine Club, Inc. (PCCI), ay naging pangulo ng PCCI nung 2001 at 2005 at naging chairman ng  Corporate Show Committee. Sa loob ng dalawang taon, naging chairman siya ng Affiliated Clubs Committee kung saan sumanib sa PCCI ang affiliated clubs. Sa kasalukuyan, si Cruz ang vice president ng AKCUPI at chairman ng  Affiliated Clubs Committee.

Para sa detalye ng dog shows, tumawag sa 3766597 o bisitahin ang website: www.akcupi.com.

 

Show comments