MANILA, Philippines - Kung si Senator Jinggoy Estrada ang masusunod, mas gugustuhin niya ang “house arrest†kaysa ilagay siya sa loob ng kulungan kaugnay ng kinakaharap na kasong plunder at graft sa Sandiganbayan.
Pero aminado rin ang senador na imposible ang nais niyang mangyari lalo pa’t ipinakita na sa media ang posibleng pagkulungan sa kanila sa Camp Crame.
Gayunman, isinanÂtabi ni Estrada ang posibilidad na humiling siyang isailalim sa hospital arrest tulad noong una siyang maharap sa kasong plunder kasama ng amang si dating PaÂngulong Joseph Estrada.
Nilinaw din ni Estrada na hindi niya iniiwan ang trabaho niya sa Senado at hindi siya naka-leave bagaman at mistulang nagpaalam na siya sa kanyang huling talumpati bago magbakasyon ang Senado.
Ayon kay Estrada nakahanda siyang magtrabaho hangga’t hindi sinasabi ng Sandiganbayan na suspendido na sila.
Naniniwala rin si Estrada na pagbibigyan ng Sandiganbayan na makapaglagak siya ng piyansa dahil mahina umano ang mga ebidensiya laban sa kanya.
Ipinaliwanag nito na nakapagpiyansa rin siya sa plunder case noong panahon ni dating PaÂngulong Gloria Arroyo dahil na rin sa kahinaan ng ebidensiya sa kanyang kasong plunder.
Ipinauubaya naman ng Malacañang sa korte ang pagdedesisyon sa posibleng house arrest kay Estrada.
Sinabi ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr., hurisdiksyon ng Sandiganbayan ang hinihiling na house arrest ni Sen. Estrada sakaling ilabas ang warrant of arrest laban sa kanila nina Sens. Juan Ponce Enrile at Ramon Revilla Jr.
Samantala, ipauubaya din ng Palasyo sa Kamara ang desisyon sa mungkahing special na kulungan sa mga high profile personalities.