4 senador may nakuhang P100M na PDAF noong 2013 – DBM

MANILA, Philippines — Nakakuha ng P100 milyon na Priority Development Assistance Funds (PDAF) o “pork barrel” ang apat na senador noong 2013, ayon sa Department of Budget and Management.

Sa isinapublikong record ng DBM ngayong Martes, lumabas na nakakuha ng P100 milyon sina Senador Miriam Defensor Santiago, Edgardo Angara, Manuel "Lito" Lapid at Vicente "Tito" Sotto III noong nakaraang taon.

Inilabas ang malaking bahagi ng PDAF bago pigilan ng Korte Suprema ang pagpapalabas nito dahil matapos pumutok ang pork barrel scam.

Nakuha naan si Sen. Francis "Kiko" Pangilinan at Senator Francis "Chiz" Escudero ng P99.75 milyon at P98.5 milyon.

Narito ang listahan:

 

PDAF Releases of Upper House for Fiscal Year 2013

as of 17-06-2014 10:23:09

Legislator Name New Appropriation
Continuing
(Released in 2014)
Total
ANGARA, EDGARDO J. 100,000,000 0 100,000,000
CAYETANO, ALAN PETER S. 48,000,000 0 48,000,000
EJERCITO-ESTRADA, JINGGOY P. 95,500,000 0 95,500,000
ENRILE, JUAN PONCE F. 75,000,000 0 75,000,000
ESCUDERO, FRANCIS G. 98,500,000 0 98,500,000
GUINGONA, TEOFISTO III 61,630,000 0 61,630,000
HONASAN, GREGORIO II B. 93,000,000 0 93,000,000
LAPID, MANUEL M. 100,000,000 0 100,000,000
LEGARDA, LOREN B. 89,500,000 0 89,500,000
MARCOS, FERDINAND JR. R. 50,000,000 0 50,000,000
PANGILINAN, FRANCIS N. 99,750,000 0 99,750,000
PIMENTEL, AQUILINO III L. 2,500,000 0 2,500,000
SANTIAGO, MIRIAM DEFENSOR D. 100,000,000 0 100,000,000
SOTTO, VICENTE III C. 100,000,000 0 100,000,000
TRILLANES, ANTONIO IV F. 87,920,000 0 87,920,000
VILLAR, MANUEL JR. B. 74,600,000 0 74,600,000
GRAND TOTAL     1,275,900,000

 

Inilagak ni Angara ang kanyang PDAF sa pagsasaayos ng kalsada sa Laguna na nagkakahalaga ng P50 milyon, habang P25 milyon naman ang napunta sa flood control project sa Albay.

Sa infrastructure projects naman sa Batangas at La Union ginasta ni Santiago ang kanyang pork barrel.

Samantala, malaking bahagi ng PDAF ni Sotto ay ibinuhos sa mga pampublikong ospital at iba't ibang government units para sa pagbibigay ng medical assistance.

Inilista rin ni Sotto ang  Pampanga, Albay, Bulacan at Quezon City sa mga kanyang beneficiaries.

Programang pangkalusugan naman ang pinondohan ni Lapid sa Zambales, Batangas, Zamboanga del Sur, Quezon, Aurora, Pangasinan at Camarines Sur.

Show comments