MANILA, Philippines - Sinibak ni Justice Secreatry Leila de Lima ang dalawang prison doctor ng New Bilibid Prison (NBP) na nagbigay ng referral para makapagpagamot sa pribadong ospital ang ilang mga high profile inmate ng NBP.
Batay sa Department Order 405 na may petsang June 13, 2014, tinanggal sa puwesto sina Dr. Gloria Achazo-Garcia, Acting Hospital Head ng New Bilibid Prison Hospital at Dr. Ma. Cecilia V. Villanueva, Medical Specialist I ng NBP.
Kasama rin sa inalis sa puwesto si Prison Supt. Gabriel Magan, Hepe ng New Bilibid Prison Escort Unit.
Inatasan din ni de Lima si Bureau of Corrections Director Franklin Bucayu na magtalaga ng pansaÂmantalang kapalit sa puwesto ng tatlong opisyal para hindi maapektuhan ang operasyon ng NBP Hospital.
Pinagpapaliwanag ni de Lima ang tatlong kawani ng NBP at iba pang prison guards ng Bilibid kung bakit hindi sila dapat na maharap sa reklamong administratibo.
Binigyan ni de Lima ng 72 oras ang tatlo para makapagsumite ng paliwanag kaugnay sa kontroÂbersyal na pagpapagamot ng high profile inmate na si Ricardo Camata sa Metropolitan Medical Center.