Entrepreneurship pinatuturo sa paaralan

MANILA, Philippines - Umusad na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong gawing bahagi ng school curriculum ang entrepreneurship upang ma-enggayo ang mga mag-aaral na maging entrepreneurs sa murang edad.

Ang panukala ay nakapaloob sa Senate Bill 2212 o ang Youth Entrepreneurship Act.

Ayon kay Senator Cynthia Villar, na sumusuporta sa panukala, kailangan ng bansa ng mga bagong henerasyon ng mga entrepreneurs.

Inisponsor ni Sen. Bam Aquino ang Senate Bill 2212 sa ilalim ng Committee Report No. 26 bago nagsara ang First Regular Session ng 16th Congress. Sa ilalim ng panukalang batas, ipinakikilala at isinasama sa curriculum ng  primary at  secondary, alternative learning at post-secondary education  ang mga subjects at competencies sa entrepreneurship at financial literacy.

Ang Senate Bill No. 147, ay kabilang sa mga naunang panukalang batas na isinampa ni Villar nang magsimula siya ng kanyang termino bilang senador noong July 2013, ang  kauna-unahang Se­nate bill na naglalayong isama ang entrepreneurship sa high school curriculum.

Naniniwala si Villar na dapat ituro sa mga paaralan ang kahalagahan ng pag-iimpok ng pera at hard work upang maging entrepreneurs. Ang bagong henerasyon  aniya ng mga  entrepreneurs ang magiging daan sa pagbuo ng karagdagang Micro, Small at Medium Enterprises (MSMEs), isang malakas na ‘engine of growth’ sa ating bansa.

Hinimok din ni Villar ang mga mamamayan na magnegosyo upang magkaroon ng pagkakataon na umasenso.

Inalala ni Villar na ang kanilang billion-dollar real estate company ay nagsimula lamang sa isang maliit na ‘gravel and sand company’ na may P10,000 capital.

 

Show comments