MANILA, Philippines - Kasunod ng pormal nang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan, pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang mga local government officials na agahan ang pagdedesisÂyon sa suspensiyon ng klase kung may bagyo o malakas ang pag-ulan.
Ayon kay DepEd Assistant Secretary Tonisito Umali, layunin nito na matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral partikular na kung malakas ang buhos ng ulan.
Paalala pa ni Umali, ang kapangyarihan na suspendihin ang klase ay nasa kamay na ng mga local government units (LGUs), partikular na kung wala namang storm signal.
Sinabi ni Umali na ang assessment kung may pasok o wala sa mga paaralan sa panahong umuulan ay dapat isagawa bago mag-alas-5 ng umaga upang maagang maiimpormahan ang mga magulang.
Kung isasagawa anya ang suspensiyon sa panahong nakapasok na ang mga ito sa paaralan o nakaalis na ng bahay ay nag-aalala lamang ang mga magulang at lalong nalalagay sa paÂnganib ang mga bata.
Nitong Hunyo 10 pormal na idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan.