MANILA, Philippines - Wala pang balak si Senator Jinggoy Estrada na mag-impake sa gitna ng posibleng pag-aresto sa kanya matapos na mai-raffle na ang mga kasong plunder at graft laban sa kanya sa Sandiganbayan.
Ayon kay Estrada, wala siyang nakikitang rason para mag-impake na ng kanyang mga gamit.
Giit ng senador, malapit lang naman ang Camp Crame sa kanilang bahay kaya hindi niya kailangang mag-impake maliban na lang aniya kung sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna sila ikukulong.
At habang wala pang ipinalalabas na warrant of arrest ang SandiganbaÂyan ay sasamantalahin niya ang pagkakataon at bibisita sa kanyang mga constituents habang malaya pa.
Mag-iikot umano siya para pasalamatan ang mga bumoto sa kanya noon dahil hanggang ngayon ay hindi siya iniiwan sa kabila ng mga kasong kinakaharap.