MANILA, Philippines - Inirekomenda ni JusÂtice Undersecretary Francisco Baraan na sibakin ang mga doktor na nagbigay ng referral para makapagpa-ospital ang mga high profile convicts sa labas ng New Bilibid Prison (NBP).
Ito’y matapos ang isiÂnagawang imbestigasyon hinggil sa pagpapaospital ng drug convict na si Ricardo Camata kahit hindi naman emergency situation.
Tumanggi naman si Justice Sec. Leila de Lima na ibunyag ang pangalan ng mga doktor.
Nais din ni Baraan na bumuo ng fact-finding panel na magsasagawa ng mas malawak na imbesÂtigasyon dahil lumilitaw na bukod kay Camata, walo pang NBP prisoner ang pinapayagan magpagamot sa ibang ospital.
Matatandaang si Camata ay dinala sa Metropolitan Hospital makaraang ireklamo ang paninikip ng dibdib. Nakita naman sa CCTV ng ospital ang pagdalaw dito ng sexy actress na si Krista Miller.
Pinasisiyasat din ang kondisyon ng drug convict na si Amin Buratong at robbery gang leader Herbert Colangco.
Pagpapaliwanagin ni de Lima si BuCor Director Franklin Bucayo kaugnay sa isyu sa sandaling bumalik ito sa trabaho.