Rep. Rodriguez itinalagang chairman ng BBL

MANILA, Philippines - Itatalaga ng liderato ng Kamara si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodri­guez bilang chairman ng bubuuing Adhoc Committee na hahawak sa pagdinig ng Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sinabi ni House Majo­rity Leader Neptali Gonzales, na siya mismo ang nagrekomenda kay Speaker Feliciano Belmonte para ibigay ang responsibilidad kay Rodri­guez  na isang abogado at taga-Mindanao din.

Magiging responsibilidad umano ni Rodriguez na tiyakin ang legalidad ng lahat ng aspeto ng BBL at papasa ito sa Korte Suprema sakaling kuwestiyunin ang constitutionality nito.

Pormalidad na lamang umano ang kailangang hintayin para sa appointment ni Rodriguez na isasabay sa opisyal na anunsiyo din ng pagtata­tag ng Adhoc Committee na pamunuan nito.

Magiging vice-chairman naman nito ang mga namumuno sa ilang mahahalagang komite ng kapulungan at miyembro  nito ang lahat ng Mindanao Congressmen.

 

Show comments