Singil sa kuryente tinapyasan ng P0.84kWh

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng pamunuan ng Manila Electric Company (MERALCO) ang pagtapyas nila ng singil sa kuryente ngayong buwan ng Hunyo.

Sinabi ni Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng ME­RALCO, magtatapyas sila ng P0.84 kada kilowatt hour (kWh) sa kanilang generation charge at iba pang singilin.

Ayon kay Zaldarriaga, bumaba umano ang singil sa kanila ng kanilang mga supplier kaya sila man ay nagbaba ng singil sa kanilang mga kostumer.

Ipinaliwanag ni Zaldarriaga na katumbas ng P158 na mababawas sa mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan ang mababawas sa kanilang singil sa kuryente.

Bukod sa generation charge, bumaba rin umano ang  transmission charge, taxes at iba pa, kaya nagtapyas sila ng malaking halaga.

 

Show comments