MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na walang job order para sa aircon mechanics sa Texas.
Ang pahayag ay ginawa ni POEA Administrator Hans Leo Cacdac upang magbigay ng babala sa mga aspiring Overseas Filipino Workers (OFWs) na huwag magpaloko sa mga
illegal recruiters na nag-aalok ng mga ganitong trabaho.
Ayon kay Cacdac, sa kabila ng high profile aircon failure na naganap sa AT&T Center sa San Antonio, Texas sa Game 1 ng NBA Finals sa pagitan ng San Antonio Spurs at Miami Heat, ay wala pa ring available jobs bilang AC repairmen sa naturang lugar.
“No POEA job orders for aircon technicians in San Antonio,†ani Cacdac, sa kanyang Twitter account, matapos makatanggap ng impormasyon na may ilang illegal recruiter ang naghahanap ng nasabing trabaho sa Texas.
Nauna rito, nitong Biyernes ay nagkaroon ng problema sa aircon sa pinakaaabangang Game 1 ng NBA Finals sanhi upang ma-dehydrate ang mga manlalaro at pagpawisan ng labis ang may 18,581 manonood dahil sa napakatinding init sa loob ng arena.
Sinasabing electrical failure ang naging ugat ng problema.