MANILA, Philippines - Dapat magpaliwanag si Vice-President Jejomar Binay sa halip na pabulaanan ang naglabasang report na nagdadawit sa kanyang pamilya sa umano’y anomalya sa Priority Development Assistance Fund.
Ito ang iginiit ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na nagsabi pa na dapat ipalabas ng kampo ni Binay ang listahan ng mga proyektong pinaggagamitan nila ng PDAF at hindi puro ‘deny†lang.
Ayon kay Rep. Erice, detalyado at masyado ang investigative report na lumabas sa mga pahayagan na nagdedetalye ng paggamit umano ng 12 milyong piso ng PDAF funds ni Makati Rep. Abigail Binay mula 2008 at 2009 para sa KASANIB foundation na miyembro ng board of directors si noon ay konsehal Junjun Binay at pinadaan daw muna sa opisina na noon ay Makati Mayor Jejomar Binay. 2013 naman nang maglaan umano ng 15 milyong pisong PDAF si Rep. Binay sa Gabay at Pag Asa ng Masa Foundation na pinadaan naman daw sa opisina ni Mayor Junjun Binay. Ang GaÂbay at Pag Asa ng Masa foundation ay kasama sa expose na pinangunahan naman ng isang nagngaÂngalang Godofredo Roque.
“Nagtuturo sila pero wala namang basis, ang dapat ay ipaliwanag nila kung saan napunta ang PDAFâ€, pahayag ni Erice.
Sinabi ng kongresista na pagod na ang taumbayan sa karaniwang katwiran ng mga pulitiko na black propaganda lamang ang mga isyung ipinupukol laban sa kanila.
Inaamin ng mambabatas na hindi matatapos ang isyu laban kay Binay sa PDAF hangga’t wala itong direktang paliwanag.
Katibayan anya, hindi denial ang dapat isagot ni Binay sa mga isyu at bahala na ang taumbayan na humusga kung tatanggapin ang kanyang paliwanag.
Sinuportahan naman ni Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang hamon ng kongresista, aniya, bilang isang naghahangad na maging pangulo ng bansa ay dapat walang bahid ang pagkatao nito lalo na sa aspeto ng “korupsyon†kaya naman obligasyon umano ni Binay sa taumbayan na patunayan na walang katotohanan ang mga paratang na pagkakasangkot nito sa pork barrel scandal.